Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2014

Nang Isang Hapon Sa Aking Buhay

Photo source: Kellysthoughtsonthings.com Nang isang hapon sa aking buhay Sa pagkahimbing, nagising na tunay Kaluluwang dati’y sa layaw ay patay Sa katwira’y bumangon, nagkaro’n ng saysay Ito’y nagsimula nang isang hapon din Nang ako’y ayain sa isang panuorin Upang tignan, usisain, kilatisin Isang mangangaral na bago sa paningin Nang ang telebisyon ay sadyang binuksan Iba’t-ibang mangangaral aming tinunghayan Sa kaisipang makinig, sila ay subukan Nguni’t ‘di nagtagal, iba’y dagling nilisan ‘Pagka’t ano ngang buti aming mapapala Kung sarili’t-sariling turo lang ang pangaral nila ‘Di ba’t madaming tao na ang nagsalita Aanhin namin kung ‘di Dios ang nagwika Kaya’t talapihitan ng telebisyon muli naming ipinihit At sa mangangaral na yao’y nagpasimulang makinig Dangan nga lamang dahil sa aking pagkagalit Dumoon sa isang sulok, humiga at pumikit Sapagka’t siya’y tila naging dahilan ng aming pagtatalo Ng tungkol sa relihiyon ng aking mahal na tito At minsan isang hapon, sa kadugo’y n...